Lumang Bayani, Bagong Anghel

Posted on November 24, 2005 by amaykalikasan.
Categories: poem.

Lumipad ka na patungong Roma at London

Balisang nakalingon sa ulap lulan ng naglaboy na panaginip

Lubog sa alaala ng kinabukasang unti-unting nalulunod

Lumipad ka na patungong Riyadh at Qatar

Sa pagkamulat kukurap-kurap sa pagtulog puso’y nagsisikip

Binabagabag ng sumpang naligaw sa salawahang paglalakbay

Lumipad ka na patungong Toronto at New York

Tinutugis ang biyayang mailap nabulusok sa patibong ng banyaga

Sa ulilang pugad anong maamong pag-asa ang nabulabog

Lumipad ka na patungong Chicago at San Francisco

Kumakaway ka pa tiwalang may katuparang babati ng "Mabuhay!"

Alinlangang luha’y naglambitin sa bahag-hari ng bawat yapos

Lumipad ka na patungong Hong Kong at Tokyo

"Di kita malilimot"–pumaimbulog ang tukso ng nabitiwang paalam

Nabakling pakpak usok sa bagwis inalagwang talulot ng bituing nasunog

Lumipad ka na patungong Sydney at Taipeh

Ay naku, anong panganib ng gayumang sa pangarap nagkupkop

Ibon kang nagpumiglas alay mo’y talim ng paglayang nilalangit

Lumipad ka, O sintang mahal, ngunit saang kandungan ka lalapag?

Bumabalik sa dalampasigang hulog ng iyong hinasang pagtitiis

Aking kaluluwang hiniwa’t ikinalat sa bawat sulok ng daigdig.
                                                                           by: E. San Juan, Jr.

Buhay

Posted on by amaykalikasan.
Categories: poem.

Sa bawat pag-inog ng Segundo
May isang sanggol na isinisilang
Sanggol na gustong makihalo-bilo sa magulong buhay
Isang nilalang na gustong subukan ang hamon nang sangkatauhan
Ngunit may mga nilalang na lubhang madamot sa mga sanggol na ito
Ayaw bigyan ng pagkakataong mabuhay
Sila ang mga taong hindi pa handang harapin ang responsibilidad ng pagkamagulang
Sila ang mga taong walang habas na kumitil ang buhay ng isang sanggol sa kanilang sinapupunaný.
Buhay
Anong kahulugan ng salita mo???
Paano ka binibigyan ng kahulugan ng mundo???
Paano ka hinaharap at pinahahalagahan ng sangkatauhan???
Buhay oh buhay
Kay hirap malirap ng tunay na kahulugan!!!!
Sanaýy alam ko kung paano ka pakikibagayan dito sa mundong ibabaw!!!

                            by: Amayluntian G. Alvarez
                                  Alay sa mga batang kinitilan ng buhay
                                   December 7, 2004

‘YANG PAGTITIMPLA NG KAPE

Posted on by amaykalikasan.
Categories: My life is in my hand....

Ipagpatawad mo, mahal
kung hindi kita ipagtimpla ng kape,
Baka malasing ka sa sobrang tamis
ng aking timpla,
makalimutan mong nasa panahon tayo
ng digma.
Ang pagkaidlip mo’y mangangahulugan
ng pagkabundat ng mga kongresista
sa milyun-milyong badyet sa turon habang
ang sambayanan ay nagugutom.
Baka makalimutan mong tumaas na naman
ang presyo ng langis,
at ang kabuhayan natin ay nasa krisis.

Ipagpatawad mo, mahal
kung hindi kita ipagtimpla ng kape.
Baka madarang ka sa sobrang init
at makalimutan mong magsuot
ng hatol ni Secretary Flavier na kapote.
Laksa-laksang bata ang ngayo’y nasa kalye,
inaalimura ang kapwa at ang sarili.
Marahas ang kalsada at tahanan,
hindi tiyak kung may bukas
pang daratnan.

Ipagpatawad mo, mahal
kung hindi kita ipagtimpla ng kape.
Baka iba ang maihain ko:
Brewed, instant coffee or me?
Sa panahon ng pagtatanong,
hindi ka tiyak sa sarili.
Minsan, ang pag-ibig ay simpait
ng kagigiling na sariwang kape.
O singlabnaw ng kapeng ilang ulit
nang pinakuluan sa takure.
O singpeke ng instant coffee.
Tulad ng pag-ibig, mahirap magtimpla
ng tunay na kape.

Ipagpatawad mo, mahal
kung hindi kita ipagtimpla ng kape.
Baka ako’y maikulong mo sa hawla
ng daang taong pagkaalipin ng mga babae.
Obligasyon itong itinago sa saya ng pagmamahal
O sa bulsa ng matrimonya.

Ipagpatawad mo, mahal
kung hindi kita ipagtimpla ng kape.
Hindi nasusukat sa isang tasang kape
ang aking pag-ibig.
                                                                by: Gloria E. Melencio

FOR EVERY WOMAN

Posted on by amaykalikasan.
Categories: My life is in my hand....

FOR EVERY WOMAN who is tired
of acting weak when she knows she is strong, there is a man
who is tired appearing strong when he feels vulnerable.

FOR EVERY WOMAN who is tired of acting
dumb, there is a man who is burdened with the
constant expectation of "knowing everything."

FOR EVERY WOMAN who is tired of being called
" an emotional female" there is a man who is
denied the full right to weep and be gentle.

FOR EVERY WOMAN who feels "tied
down" by her children, there is a man who is
denied the full pleasure of shared parenthood.

FOR EVERY WOMAN who is denied meaningful
employment and equal pay, there is a man who must bear
full financial responsibility for another human being.

FOR EVERY WOMAN who was not taught the
Intricacies of an automobile, there is a man who
was not taught the satisfaction of cooking.

FOR EVERY WOMAN who takes a step
towards her own liberation, there is a man
who finds that the way to freedom has
been made a little easier.

                                                                         by: Nancy Smith

SOAP

Posted on by amaykalikasan.
Categories: My life is in my hand....

Women always play the lead
in TV commercials.

In ads for beauty soaps,
they invite envy.
Soft and smooth skin
is delicate to touch.
"Thanks to Lux!"

For laundry soaps
they happily boast
that clothes whiten
without bleaching.
"Thanks to Ajax!"

Before the commercial ends
the male gives thanks
for the skin that brings delight
And the wife’s laundry is fragrant.

Women are trapped in boxes
as soaps come in bars
on televisions

Dinner Partner

Posted on by amaykalikasan.
Categories: poem.

A woman is not a rice
serve at the table of matrimony,
disgorged when hot and you fear the scalding,
diluted with coffee in the mornings of your want,
discarded when burnt in her old age.

A woman is not meat fingered and weighed,
flesh sauteed in your promises,
bones boiled in your wheedling,
and skin crisp-fried for your appetizer.

A woman is not dessert
you eat when satiated,
a cool refreshment in your old age,
a course devoured during parties.

She has her own belly that grumbles,
stomach that needs to be filled,
and a heart that needs affection.
With you she gathers food,
prepares the meal,
and shares the same table of tomorrow.

Weaving

Posted on by amaykalikasan.
Categories: poem.

orange thread in woof
and purple thread in warp
mingle mindlessly;
snag;
and discover
they become each other.

embracing tightly for sturdiness,
lightly for smoothness,
stretching out days
mending lapses in lacing,
stretching out nights
embroidering dreams,

finding reasons
for lingering
without entangling,
making extra knits
to justify
a purple and orange loom.

to spin
whatever web,
to weave
whatever joy
out of thin stolen strands.

but orange returns to woof
and purple returns to warp,
afraid of being pulled apart
too suddenly, too fiercely,
needles piercing where fibers strain,
wishing
they had been cords in different looms
instead of constantly crossing stings
wreathing thorn and thread
with every knot.
                                                                                    by: Anna Leah Sarabia